After ni Catriona… Sam, todo-tago sa bagong babae
- Vinia Vivar
- Sep 7, 2019
- 2 min read

INAMIN ni Sam Milby na may girl siyang gustong ligawan pero ayaw na niyang sabihin kung sino ito.
“I’m interested in somebody,” ang diretsong pahayag ng aktor nang kumustahin ang love life niya sa presscon ng Hueniverse Music Festival kung saan isa siya sa mga producers.
Nang matanong kung showbiz or non-showbiz, hindi agad nakasagot si Sam. May isang reporter na sumagot na “semi-showbiz” daw at natawa ang aktor.
“I’m just interested. It’s too early naman. Basta ano, in the future. If it pushes through and something happens, I’ll share with you, guys,” sambit ni Sam.
May nagtanong naman kung ‘yung title ba ng musicfest na Hueniverse ay may kinalaman sa girl na sinasabi niya at napatawa na lang si Sam, refusing to answer.
Lately kasi ay puro beauty queens ang nali-link kay Sam at ito ngang pinakahuli ay si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang natsitsismis sa kanya.
Tinanong din namin kung beauty queen ba, pero ayaw pa ring magsalita ni Sam.
“I’m not going to give you any clues in any way,” natatawa pa rin niyang sabi at hindi na talaga siya nagbigay ng anumang detalye.
Samantala, ang Hueniverse Music Festival ang biggest project and first project for this year ng Bright Bulb Productions na pag-aari nina Sam, John Prats with wife Isabel Oli, Camille Prats and Angelica Panganiban. Gaganapin ito sa Sept. 28, 2019 at the Filinvest City Events Grounds.
It was Angelica’s idea to come up with a musicfest dahil mahilig dumalo ang aktres sa mga ganitong events sa iba’t ibang bansa. Latest na nadaluhan niya ay ang Fuji Rock Festival sa Japan na talaga raw napakaganda ng pagkaka-organize.
Ang tagline ng Hueniverse Music Festival ay “A music festival like no other” at si John ang magdidirek. Ilan sa mga sure na makikirakrakan ay ang mga bandang Sponge Cola, Autotelic, Allmost, The Ransom Collective, Agsunta, Written in the Stars, Chiquerella, Bita and the Bottles, atbp..
Sa line-up naman ng mga DJs, kumpirmado na ang pagdating ng award-winning international DJ na si Borgeous who is known for his hit single, Tsunami.
Parts of the proceeds of the musicfest will go to the Hueniverse Foundation which aims to give comfort and shelter to the abandoned, neglected and homeless elderly.





Comments