Unang ibinayad, kulang, 'di nakalusot… Kris, hinabol ng BIR
- Vinia Vivar
- Sep 6, 2019
- 1 min read

Ibinahagi ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account na nagkaroon siya ng biglang pangangailangan sa cash para bayaran ang kanyang tax sa BIR dahil tila nagkamali ang kanyang accounting firm sa computation.
“I still have a month & 10 days (counting it from tomorrow when Alvin remits payment) to make good on the 2nd half of a big BIR tax bill for 2018... nag- “man up” naman ‘yung accounting firm ko, acknowledged & sincerely apologized for their oversight kaya ‘yung nakakagulat na kailangang idagdag na bayad sa buwis, tahimik kong tinrabahong magawan ng paraan...” ang bahagi ng post ni Kris.
Dagdag pa niya ay lesson na ito for her at sa iba ring tao na tulad niyang nagnenegosyo.
“Sharing this because it’s a lesson for me & hopefully for others na habang kumikita at kaya, importante talagang magtabi ng cash - maganda po ang investments pero mahirap ‘pag masyadong matagal nakatali ang pera, lalo na ‘pag may mga emergency or kagaya ko, malaking kailangang bayaran na may deadline.”
Ibinalita rin niya na kahapon ay nagbayad na siya ng kanyang tax in full amount at pagkatapos nito ay magpapa-renovate na siya ng bahay for her eldest son, Joshua, dahil nasa tamang edad na raw ito para magkaroon ng privacy.





Comments