Pati boses na dating pambirit, babu! Jake, umaming nagpaturok kaya lalaking-lalaki na
- BULGAR

- Sep 6, 2019
- 2 min read

Dalawang magkasunod na grand mediacon ang naimbitahan si yours truly na may kinalaman sa “tomboy” isyu.
Una, ‘yung inamin ni Rosanna Roces kay yours truly sa grand mediacon ng Kapamilya newest seryeng Pamilya Ko na 15 years old pa lang siya ay may nakarelasyon na siyang kabaro niya, and after 27 years ay muli silang nagkita at nagkabalikan muli as wife and husband.
Sa launching naman ng bagong album ni Jake Zyrus na dating Charice Pempengco titled Evolution ay napag-usapan din ang gender isyu niya ngayon bilang transman.
Ang looks, kilos, pananalita or boses niya ngayon ay lalaking-lalaki na at hindi mo aakalain na naging babae siya noon.
Tuloy, ang unang hirit na tanong dito ni yours truly ay… “Jake, alam namin na transman ka na ngayon, pero hindi ko akalain na pati boses mo ay boses lalaki na rin. Hindi na pabirit kagaya nu’ng ikaw ay Charice Pempengco pa. May ginawa rin ba sa boses mo ngayon? May itinurok ba na something like semilya ng lalaki?”
Paliwanag niya, “Actually, meron po talagang itinuturok. ‘Yun po ‘yung male hormones. ‘Pag po itinurok ‘yun sa katawan ng female, ganito po ang mangyayari, like sa looks and the voice as well. May transition po. Lahat po magbabago — ‘yung body, and yes, kasama po ‘yung boses kasi part po talaga ‘yun sa kung anong klaseng hormones ang itinuturok sa ‘yo.”
Ah, kaya pala may manipis na rin siyang bigote ngayon. And in pernes, hindi siya mukhang tomboy kundi mukha na talaga siyang lalaki na tipong macho ang tono at ang kanyang arrive.
At puwede niyang kanta-kantahin sa karelasyon niya ngayong si Shyre Aquino ang awiting may lyrics that goes… “Macho macho man…yeah, I gotta be a macho man... wanna feel my body baby…every transman, este, man, wants to be a macho, macho man to have the kind of body always in demand…” Boom, swak sa mga transman, ‘ika nga!
Pero ‘yung kantang “Jumbo hotdog… kaya mo ba ‘to?” ay mukhang hindi pa kayang kantahin ni Jake Zyrus dahil ayon sa kanya, biologically ay babae pa rin siya kaya sa CR pa rin siya ng babae pumapasok.
‘Yun na! Insert smiley, J!
‘Niwey, bitbit ni Jake ang bagong kumpiyansa sa sarili dahil sa mas malalim niyang boses na maririnig sa pitong awitin sa Evolution album niya. Patunay din ito na ang talento niya sa pag-awit ay hindi mawawala kundi lalo pang gumagaling.
Bahagi si Jake ng mahusay na grupo ng mga mang-aawit sa ilalim ng Star Music na kilalang tahanan ng marami sa mga pinakamagagandang musika ng OPM mula sa pinakamalaking media at entertainment company na ABS-CBN.
Samahan si Jake Zyrus sa pinakabago niyang album na Evolution at pakinggan ang mga awit nito sa digital stores, okidoki?
‘Yun lang muna and I thank you.




Comments