Mga pagkaing pantanggal-pagod
- Twincle Esquierdo
- Sep 6, 2019
- 2 min read

PROBLEMA mo ba ang palaging pagod? Alam mo ba na may mga pagkaing makatutulong para mawala ang pagod natin?
madalas tayong nalilipasan ng gutom tuwing abala sa pag-aaral, pagtatrabaho at sa mga gawaing-bahay kaya minsan, hindi na tayo nakakakain at pinipili na lang na matulog kahit alam nating hindi ito nakabubuti sa ating kalusugan. Kaya mga besh, narito ang ilang pagkain na dapat nating kainin kapag pagod tayo:
1. MAIS. Nagtataglay ito ng mataas na fiber content at may dalawang antioxidants na lutein at zeaxanthin na nagpoprotekta sa ating mga mata laban sa blue light na nakukuha sa madalas na paggamit ng computer.
2. SAGING. Dahil sa taglay nitong potassium at tryptophan, nare-regulate nito ang ating mood. Gayundin, napagaganda nito ang pakiramdam natin, lalo na kung nakararamdam tayo ng pagod. Inirerekomenda ng mga eksperto ang pagkain nito, araw-araw.
3. MANSANAS. Isa ito sa mga makatutulong upang maging kalmado ang pakiramdam natin. Gayundin, nakapagbibigay ito ng enerhiya at overall happiness dahil sa taglay nitong Vitamins B1, B2, B6, C, at E. ‘Ika nga, an apple a day, keeps the doctor away.
4. CITRUS FRUITS. Halimbawa nito ang orange, amanatsu, calamansi, lemon, lime at pomelo na mayroong Vitamin C at collagen production na makatutulong para maiwasan ang pagda-dry ng balat.
5. SALAD. Mayroon tayong iba’t ibang paraan sa paggawa ng salad pero mainam na lagyan ito ng lettuce at cucumber. Ang lettuce ay nagtataglay ng 95% ng tubig habang ang cucumber ay may 96%. Mayroon din itong diuretic property na tumutulong para mai-flush ang toxins sa katawan, Vitamin B, phosphorus, calcium, zinc at iba pang minerals na likas ding makatutulong para mapanatili ang pagiging healthy.
6. WATERMELON. Kung hindi ka mahilig uminom ng tubig, puwede itong alternative dahil mayroong 92% water ang watermelon. Nakapagpapagaan din ito ng pakiramdam dahil sa taglay nitong Vitamins A, B6 at C, lycopene, antioxidants, amino acids at potassium.
Mga beshie, ilan lamang ang mga ito sa mga pagkain na makabubuti sa ating kalusugan. Mura na, masustansiya pa.
At hindi rin dapat nagpapalipas ng gutom kaya naman mabuting pangalagaan ang ating kalusugan dahil ‘ika nga nila, health is wealth. Stay healthy, mga ka-Bulgar!
Copy?




Comments