Magsasaka dinenbol ng 3 armado
- Pabs Hernandez III
- Sep 6, 2019
- 1 min read
PANGASINAN—Dedbol ang magsasaka nang pagbabarilin ng tatlong hindi kilalang salarin kamakalawa sa Bgy. Tulong West, Urdaneta City.
Kinilala ang biktima na si Pedro Manantan, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, sinundo ng mag-amang Lorenzo at Marlon Calonge si Manantan dahil may bibili umano sa alaga nitong baka, pero
pagsapit sa naturang lugar ay sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima.
Iniimbestigahan na ang mag-amang Calonge kaugnay sa naganap na krimen samantalang pinaghahanap na rin ng pulisya ang tatlong lalaking bumaril sa biktima.





Comments