Horoscope | Setyembre 06, 2019 (Biyernes)

SA MAY KAARAWAN NGAYONG SETYEMBRE 6, 2019 (Biyernes): Isinilang ka na ikaw ay magaling sa negosyo at doon ka yayaman. Puwede ring yumaman ang maraming tao dahil sa iyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Paramihin mo ang hawak mo na. Ngayon ang pagkakataon para lumago ang iyong kabuhayan. Huwag mong sayangin ang iyong masusuwerteng araw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-20-23-35-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapansin-pansin ngayon na ikaw ay palakuwento. Ito ay malinaw na senyales na bagay kang maging magaling na negosyante. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-14-17-20-24-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Huhusgahan ka ngayon ng langit. Ang masayang balita ay nagsasabing, angat na angat ang iyong talino kung saan ang iyong mga karibal ay maiiwanan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-16-21-25-39-42.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka inaawat sa iyong pagmamadali pero ikaw ay pinapayuhan na sa bawat sandali, sa anumang pagkakataon, huwag mong kalimutang bitbitin ang talas ng iyong pandama. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-27-35-38-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mahina ka ngayon at sa ilang araw pang darating. Ang iyong kahinaan, aminin mo man o hindi ay mabilis mahulog ang loob mo sa masasayang kilos at pananalita. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-14-16-27-38-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maging masinop ka! Huwag kang tumulad sa marami na nang dahil sinuwerte ay nagsaya lamang nang nagsaya na parang nalunod sa sobrang katuwaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black.Tips sa lotto-14-18-23-25-34-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Malabong maungusan ka ng iyong karibal. Maaaring makaporma sila pero, hanggang porma lang. Hindi ka iiwan ng iyong kapalaran na kung ano ang gusto mo ay tiyak na mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-25-37-43-46.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maglalabasan ang mga kontrabida sa buhay mo pero, hindi magbabago ang magandang takbo ng pangyayari na pabor sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-17-27-33-42-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ituloy mo ang plano mo na mas lalong magpapaunlad sa iyong buhay. Huwag mong bigyan ng halaga ang mga negatibong sumisingit sa iyong isipan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-18-30-31-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Natatalo ang kaduwagan at kahinaan ng loob nang walang humpay na pagkilos. Kumilos ka nang kumilos ayon sa hangarin mong matupad ang pangarap mo na ikaw ay yumaman. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-17-20-24-26-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Makikita na para kang ibon na nakikipaglaro sa mga sanga ng puno na ang kahulugan ay nagsasabing, kusang mapupunta sa iyo ang mga suwerteng hawak ng ibang tao. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-11-18-21-23-30.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magsaya ka pero, huwag mong kaligtaan na may pangangailangan ka pa na dapat paghandaan. Maglibang ka pero, hindi mo dapat makalimutan ang darating na mga araw. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-14-22-28-30-33.




Comments