Empleyado, bumangga sa arko, patay
Pabs Hernandez III
Sep 6, 2019
1 min read
CAGAYAN—Isang empleyado ang namatay nang aksidenteng bumangga ang
minamaneho nitong kotse sa arko ng national highway sa bayan ng Tuao.
Kinilala ang biktima na si Reynaldo Bugnay, Sr., empleyado sa bayan ng
Conner, Apayao Province.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Bugnay kaya
bumangga ang kotse nito sa arko ng naturang bayan.
Dinala ng mga saksi si Bugnay sa ospita.





Comments