top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Asia’s lashes, umentra sa d-league q’finals

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 6, 2019
  • 1 min read

INUNGUSAN ng Asia’s Lashes Tomas Morato ang iWalk, 72-70,upang ganap na umusad sa 2019 PBA D-League Foundation Cup quarterfinal round kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Isinalpak ni James Castro ang go-ahead lay-up may 46 na segundo pa ang nalalabi upang isalba ang Soldiers. Tumapos si Castro na may 13 puntos, 5 rebounds,2 assists, at tig-isang steal, at block para siguruhin ang pag-angkin ng Asia’s Lashes ng ikatlong slot sa Group A sa next round.

Sa kabila ng panalo, hindi ikinatuwa ni coach Alvin Grey ang ipinakitang complacency ng kanyang players nang lumamang ng 1 puntos. “Sabi ko sa kanila bawal matalo dahil pag natalo kami, meron kaming chance na matanggal. Ngayon na nanalo okay na, kaso masyado silang nagre-relax,” ayon kay Grey. Binura ng iWalk ang 65-58 na lamang ng Asia’s Lashes at lumamang pa sa iskor na 70-69 may natitira pang 1:32 sa 4th period. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page