Anak, inalok sa Hollywood movie… Pag-aartista ni Jimuel, hinarang ni Pacquiao


MAY offer sa anak ni Sen. Manny Pacquiao na si Jimuel Pacquiao upang gumawa ng isang Hollywood movie na magsu-shoot sa U.S.A., Japan at dito sa ‘Pinas.
Tungkol din sa boxing ang kuwento at babagay kay Jimuel dahil nagsisimula na rin naman ang kanyang boxing career. Pero dahil nag-aaral pa siya, ayaw pumayag ng People’s Champ na si Sen. Manny na mag-artista ang kanyang panganay.
‘Yung pagba-boxing ni Jimuel ay hindi naman full-time kaya hindi ito makakaapekto sa pag-aaral ng anak.
Hindi naman kailangang kumayod at kumita ni Jimuel mula sa pag-aartista. Secured na sila financially. Ang gusto lang ni Pacman ay makatapos sa pag-aaral ang kanyang mga anak.





Comments