62-anyos na lolo, nagbigti sa puno
- Pabs Hernandez III
- Sep 6, 2019
- 1 min read
NUEVA ECIJA—Isang 62-anyos na lolo ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa puno sa bakanteng lote sa Bgy. San Mariano, Penaranda, kamakalawa.
Nakilala ang biktima na si Ricardo Sinuto, Jr., nakatira sa Bgy. Rio Chico, Gen. Tinio.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa nakabiting bangkay ng biktima sa nasabing lugar.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang motibo ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.





Comments