top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Simulan sa paggamit ng socmed... Mga dapat baguhin sa sarili para mag-mature na

Jersey Sanchez
Sep 5, 2019
2 min read

No Problem

Sa pagpasok sa mun­do ng adulting, maraming pagbabago ang nag-aa­bang sa atin. Kasabay ng mga pagbaba­gong ito ang pag­kilala sa ating sarili. Ga­yunman, para sa pag­sisimula ng ating journey sa adult world, narito ang ilang bagay na dapat na­ting iwanan sa ating teen-age years:

1. PAGBA­BASE NG SUC­CESS SA SOC­MED. Sa panahon ngayon, ‘best ver­sion of ourselves’ ang laman ng feed natin sa soc­med kung saan kadalasan, ito ang ba­sehan o pinaniniwa­laan ng na­kararami.

Anuman ang nakalagay dito ay hindi 100% true dahil filtered ang laman nito o hindi totoong tayo ang ipinakikita natin dito. Kaya sa ating 20s, hu­wag nating ikumpara ang ating sarili sa mga nakikita na­ting ‘successful’ sa soc­med.

2. HINDI PAGTANG­GI. Tuwing ginagawa mo ang mga bagay na hindi mo naman talaga gusto, parang niloloko mo lang ang sarili mo. Halimbawa, ang pagsa­ma sa lakad ng barkada kahit hindi mo naman talaga trip. Tandaan, kung labag sa gusto mo, mayroon kang karapa­tang tumanggi. Okie?

3. PAG-O-OVER­SHARE SA SOCMED. For sure, duma­an tayo sa phase na tila na­ging diary ang ating socmed accounts. Agree? Sa ating 20s, tama na ang pag-o-over­share ng kahit ano sa socmed dahil sa totoo lang, walang pakialam ang ibang tao sa mga nangyayari sa buhay na­tin, masaya man tayo o hin­di. ‘Ika nga nila, stay low-key.

4. PANANATILI SA TOXIC RELATION­SHIP. Ngayong nasa ‘adul­ting phase’ na tayo, hindi na tayo dapat nananatili sa to­xic re­lationship dahil mas kaila­ngan nating pagtuunan ng pansin ang ating energy, oras at atensiyon sa ating sarili.

5. PAGIGING ‘CHA­RITY WORKER’. Walang masama sa pagtulong sa kapwa lalo na kung ‘basic’ para sa‘yo ang itinulong mo o dahil expertise mo ito. Pero, kung ikaw ay isa sa mga “broke” adults, dapat ka nang maging praktikal dahil hindi ito makatutulong para maka-survive ka. ‘Ika nga nila, make money out of your passion.

Mga besh, totoo na hindi madaling baguhin ang mga nabanggit pero, kung iisipin natin ang maitutulong nito sa pagtanda natin, sigura­­dong hindi tayo magsisisi sa huli. Kaya mga ka-Bulgar, let go na sa mga nakasanayang ito, ha? Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page