top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sa ayaw at sa gusto ng fans… Maine, babu kay Alden, Sen. Bong, bagong leading man

  • Vinia Vivar
  • Sep 5, 2019
  • 2 min read

KINUMPIRMA na ng veteran columnist/talent manager na si Lolit Solis na gagawa ng pelikula together sina Sen. Bong Revilla, Jr. and Maine Mendoza.

In her recent Instagram post, ipinahayag ni ‘Nay Lolit na excited na rin siya sa project.

“Hindi talaga mawala ang excitement ko, Salve, sa project nina Bong Revilla at Maine Mendoza. Kahit pa nga next year pa ito balak gawin ni Senator Bong, now pa lang nabi-visualize ko na ‘yung mga eksena. Sure akong nakakatawa ang mga palitan nila ng dialogues, sure akong they will enjoy each other.

“Si Tonton Gutierrez nang makausap si Maine was so impressed. Love ni Mayor Lani Mercado kaya tinanggap ang guesting sa filmfest movie. ‘Pag siguro napalapit ka sa kanya at nakausap mo siya, mamahalin mo siya,” bahagi ng caption ni ‘Nay Lolit.

Pinayuhan din niya ang mga fans ni Maine na hindi makatanggap na talagang iba na ang direksiyon ng AlDub love team at kani-kanya na ang mga ito ngayon.

“Na-shock lang talaga ako noon sa pagiging one track mind at mahinang comprehension ng iba nilang fans na siguro naman ay maliwanag na ngayon ang isipan na makaintindi ng mga nang­yayari. At least now sober na sila.

“Kasi nga kaya kung minsan nagiging antipatiko ang ibang artista dahil sa fans nila na akala mo alam ang lahat, na puwedeng gawin ang lahat, na akala mo mapapaandar ang bagay-bagay sa puwersa lang nila.

“Let your idol grow, mas lalaki sila at yayabong ‘pag hindi kayo selfish at mayabang.

“Now, Maine Mendoza is more at ease and peaceful. At ‘yun ang mas maka­da­ragdag sa quality niya bilang star. Go Maine, gaya ni Alden, spread your wings at fly higher,” ang saad pa ni ‘Nay Lolit.

Balitang for next year’s Metro Manila Film Festival balak gawin ni Sen. Bong ang project nila ni Maine and agree naman kami kay ‘Nay Lolit na mukhang masaya ito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page