Pampublikong sasakyang walang nakalaang upuan o tatangging magsakay sa PWD, multa na, impound pa!
- BULGAR

- Sep 5, 2019
- 2 min read
Dear Chief Acosta,
Ano ba ang kaukulang parusa kung ang bus ay walang nakalaang puwesto o upuan para sa mga persons with disability (PWD)? — Analise
Dear Analise,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Part IV, (24) ng Department of Transportation and Communications- Joint Administrative Order No. 2014-01 o mas kilala bilang “Revised Schedule of Fines and Penalties for Violations of Laws, Rules and Regulations Governing Land Transportation” kung saan nakasaad ang parusa kung ang bus, dyip o UV Express ay walang nakalaang puwesto o upuan para sa mga Persons with Disability (PWD):
“IV. VIOLATIONS IN CONNECTION WITH FRANCHISE
24. Failure to display the International Symbol of Accessibility inside the units and/or failure to designate seats specifically for the use of Persons with Disabilities or Failure or refusal to transport PWDs (PUJ, PUB, TTS, UV)
TYPE OF VIOLATION PENALTIES
• 1st Offense - fine of P50,000 • 2nd Offense - fine of P75, 000 and impounding of unit for at least forty-five (45) days. An impounding fee of P500 per day shall be imposed. • 3rd and subsequent offenses - fine of P100, 000 and cancellation of Certificate of Public Convenience (CPC).
Bukod pa rito, mayroon ding kaukulang parusa kung ang nasabing mga pampublikong sasakyan ay walang naka-display na International Symbol of Accessibility sa loob ng kanilang mga unit o kung sila ay tumangging magsakay ng PWD.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.




Comments