top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kahit hiwalay na raw sila ni Ellen… John Lloyd sa Cebu pa rin tumira para sa anak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 5, 2019
  • 1 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

HANGGANG ngayon ay sa Cebu pa rin naninirahan si John Lloyd Cruz.

Mas pinili niyang sa probinsiya muna kesa bumalik sa Manila kahit may balitang hiwalay na umano sila ng live-in partner niyang si Ellen Adarna. Pareho naman kasing hindi nagsasalita ang celebrity couple hinggil sa kanilang relasyon.

Kamakailan ay muling nag-trending ang actor nang makita siyang nama­ma­lengke sa Moalboal, Cebu.

Sakay ng motorsiklo kasama ang ilang kaibigang tagaroon nang pu­munta ng palengke si Lloydie. Hindi niya alin­tana ang mga taong nakatingin sa kanya at nakikipag-selfie.

Nag-i-enjoy nga ang actor sa buhay niya ngayon kesa nu’ng nasa limelight pa siya.

Reaksiyon ng mga netizens...

“Enjoy talaga siya sa ordinaryo at simpleng buhay. Let him be.”

“His child is in Cebu so he has no choice but to go there to visit him.”

May nagsasabi namang ‘di kaya okey na uli sina John Lloyd at Ellen kaya bumalik ng Cebu ang aktor?

Heto naman ang komento ng iba...

“Yikes, naka-pajamas pa si dong. Too funny.”

“Ano’ng sad d’yan? He’s still rich and has lots of money. Gusto lang nu’ng tao na mamuhay gaya ng ordinaryong tao.”

“Nakaka-proud ang mga gaya n’ya na hindi pera at marangyang pamumu­hay ang basehan para sumaya.”

Sa ngayon ay marami ang naghihin­tay sa pagbabalik-showbiz ng aktor.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page