Internet lineman, nakuryente
- Pabs Hernandez III
- Sep 5, 2019
- 1 min read
BAGUIO CITY—Isang internet lineman ang nakuryente kamakalawa sa Tam-awan Village, Bgy. Pinsan Proper.
Ang biktimang ginagamot na sa ospital ay nakilalang si Ryan Christopher Belingon, nakatira sa Bgy. San Luis.
Ayon sa ulat, habang inaayos ni Belingon ang internet connection wire sa nasabing lugar ay aksidenteng nasagasaan ng trak na minamaneho ni Miller Lucio ang kawad ng kuryente at ito ang dahilan kaya nakuryente ang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi si Belingon sa ospital, samantalang, sasampahan ng kaukulang kaso si Lucio.





Comments