'Di raw talaga niya kinaya… Lea, pikon na pikon sa TNT contestant na nanlait kay Louie Ocampo, n
- BULGAR

- Sep 5, 2019
- 2 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

NAG-VIRAL ang post sa Twitter ng Tawag ng Tanghalan contestant na si Shantal Cuizon kamakailan matapos nitong sabihang “Composer ka lang” ang isa sa mga batikang composers na si Louie Ocampo.
Sa kanyang performance noong Biyernes sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime, nabilangan ni Punong Hurado Louie nang tatlong beses si Shantal dahil sa pagiging pitchy at off-key sa pagkanta niya ng Both Sides Now ni Joni Mitchell, dahilan kung bakit muntik na siyang ma-gong.
Agad namang humingi ng paumanhin si Shantal sa mga pahaging posts niya sa Twitter sa nakaraang Quarter 4 Semifinals sa Tawag ng Tanghalan noong Sabado.
Pero kung itinuring lamang na biro ni Louie Ocampo ang post ni Shantal at sinabing “Sorry, composer lang ako,” ikinainit naman ito ng ulo ni Lea Salonga.
Sa launching ng 2019 SEA Games theme song and music video noong Setyembre 3 sa Resorts World Manila, naglabas ng pahayag si Lea hinggil sa nasabing post ng contestant ng Tawag ng Tanghalan.
Aniya, “My gosh! First of all, don’t say blank ka lang to anyone in any profession because minamaliit mo ang propesyon ng iba, when every profession is one of dignity so huwag mong ila-lang ang kahit sino.”
Dagdag pa niya, sobra siyang nasaktan nang makarating sa kanya ang balita patungkol sa nasabing post sa Twitter.
Pahayag ng singer, “And then to say that about Louie Ocampo? I was mortified when I heard about it. It made me feel really bad.
“So, when one of my friends, one of my colleagues, someone who I’ve known for 25 years is nila-lang lang sila, it personally hurts me. Because you don’t have any idea who these people are.”
Sabi pa ni Ms. Lea, hindi magiging hurado si Louie Ocampo kung wala pa siyang napatunayan sa industriya.
“They’re sitting on those judges’ chairs because they have achieved something in their chosen lines of work. Please don’t be ignorant of who the composers are. Even if you don’t know their work, know their standing in this industry.
“You have to understand who these [composers] are and what they have done and for how many years they’ve been working and the artists that they have written slash arranged for. ‘Yung mga resume nila, nobela na.”
Umaasa ang The Voice Kids coach na ang nangyaring insidente ay maging aral kay Shantal at sa iba pang aspiring singers na matutong kilalanin ang mga batikang tao sa industriya ng musika.





Comments