Bebot na may edad na, susuwertehin at makapag-a-abroad pa rin sa tulong ng kaibigan

Dear Maestro,
Sa edad kong 37, may pag-asa pa kaya akong makarating sa ibang bansa at makapagtrabaho?
Isinilang ako noong April 4, 1989. Mayroon akong kaibigan na nagpa pabalik-balik sa Dubai at noong nakaraan, nalaman kong ikakasal na siya sa BF niyang foreigner na may negosyo roon.
Sabi niya noon, kapag ikinasal sila ng BF niya ay kukunin daw niya ako at tutulungang makapagtrabaho ru’n. Totohanin kaya ng kaibigan kong ito ang kanyang pangako na isasama ako sa abroad at tutulungang makahanap ng magandang trabaho?
Kasalukuyan akong nagtatrabaho sa mga magulang niya bilang katulong. October 19, 1987 ang birthday ng kaibigan ko. Compatible ba kami at matutulungan kaya niya ako para makapunta sa Dubai?
Umaasa,
Vicky ng Rosario, Pinamalayan, Oriental Mindoro
Dear Vicky,
Madalas, sa hindi inaasahang pagkakataon ay mga kaibigan natin ang nagiging blessing sa ating buhay, gayundin, sila ang hindi sinasadyang nagpapahamak sa atin.
Ganu’n talaga ang buhay dahil kadalasan, hindi natin mapipili ang kaibigan. Kumbaga sa kamag-anak, kusa rin silang dumarating sa ating buhay. Ang kaibahan ng kaibigan sa kamag-anak ay ‘yung kaibigan ay puwede mong iwasan, pero ‘yung kamag-anak, kahit anong iwas mo, mananatiling kadugo at kamag-anak natin sila.
Samantala, nakatutuwang isipin na compatible ang birth date mong 4 sa birthday ng kaibigan mo na 19 o 1 (1+9=10/1+0=1) kung saan kadalasan, ang mga numero uno tulad ng 1, 10, 19, at 28 na tulad ng kaibigan mo ay siyang nakatutulong sa mga numerong kuwatro tulad ng 4, 13, 22 at 31 na tulad ng birthday mo. Dahil dito, siyento-porsiyento, bibigyan ka niya ng suwerte at sa kabilang banda ay suwerte ka rin sa kanya.
Hindi lang ang numerong uno (1) at numerong four (4) ang magkatugma dahil ang zodiac sign mong Aries ay angkop na angkop din sa zodiac sign na Libra ng kaibigan mo. Ito ay dahil ang Aries at Libra ay “complementary compatible” sa isa’t isa. Ibig sabihin, ang mga bagay na nawawala sa iyo ay maibibigay niya habang ang mga bagay na hinahanap niya ay matatagpuan niya sa iyo.
Kaya ngayon pa lang, sipagan at pagbutihin mo na ang pagtatrabaho sa bahay ng iyong kaibigan, gayundin, pagbutihin at galingan mo ang pag-aayos ng mga papeles mo at pag-a-apply sa abroad.
Ayon sa iyong Travel Calendar, basta magtiwala ka lang sa iyong kaibigan, hindi ka niya pababayaan at tiyak na ang magaganap, sa first quarter ng 2020, matutupad na ang iyong pangarap at sa tulong ng iyong kaibigan, makapagtatrabaho ka sa Dubai hanggang sa tuluy-tuloy nang umunlad ang iyong career at kabuhayan.




Comments