Sikat at byuting tisay na aktres, nainlab sa aktor, playboy daw kaya hinarang ng pakialamerang madir
- Erlida Rapadas
- Sep 4, 2019
- 1 min read
BLIND ITEM:
LABIS na nanghihinayang ang mga kaibigan ng isang dating sikat at magandang tisay na aktres na produkto ng youth-oriented show. Maraming oportunidad ang dumating sa buhay ng tisay na aktres dahil napakaganda niya at pang-leading lady ang porma.
Naging kapareha siya ng ilang sikat na aktor at marami rin siyang manliligaw. Na-in love siya sa isang aktor na galing sa angkan ng mga artista pero hinadlangan ng mommy ng tisay na aktres ang kanilang pagmamahalan dahil may pagka-playboy daw ang aktor na minahal niya.
Sunod-sunuran sa kanyang mga magulang especially sa kanyang domineering mom ang mabait na tisay na aktres. Para siyang robot na halos wala nang pahinga sa katatrabaho upang kumita at buhayin ang kanyang pamilya.
Maraming properties ang nabili ng mommy ng aktres pero lahat ay may sabit at nagkaroon ng problema. Na-mismanage ng mommy ng tisay na aktres ang kanyang kinikita at na-shocked na lang siya na nalusaw at wala nang natira sa mga ipinundar niyang properties. Hindi naman niya magawang sumbatan at awayin ang kanyang mommy.
Hindi lang sa kanyang financial status nagkaproblema ang tisay na aktres. Frustrated din siya at nabigo sa kanyang marriage. Nagkahiwalay sila ng kanyang mister samantalang ang ex-BF niyang aktor na inayawan ng kanyang mommy noon ay happily married na ngayon.
Muling nagbabalik-showbiz ang tisay na aktres matapos mamalagi sa U.S.A. nang matagal.





Comments