top of page

Nanay na biglang nawala at hinanap ng mga anak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 4, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Lovely Jane ng Lovely_Jane_Dominico @facebook.com

Dear Professor,

Ano ang ibig sabihin ng panaginip na biglang nawala? Nanaginip kasi ‘yung kapatid ko na bigla raw akong nawala, tapos hina­ha­nap ako ng mga anak ko.

Maraming salamat!

Naghihintay,

Lovely Jane

Sa iyo Lovely Jane,

Walang masama sa big­lang nawawala dahil madalas, biglang nawawala ang tao sa maraming dahilan.

Ito ang ilang dahilan ng pagkawala ng tao:

  1. Nakikipagkuwen­tu­han at pagkatapos ay biglang umalis nang walang paalam dahil may naalala na maha­lagang dapat unahin kaysa sa pakikipagkuwentuhan. Dahil sa sobrang pagmama­dali, hindi na nakuhang mag­paalam.

  2. Kasama sa paglalakad tapos biglang nawala dahil hindi namalayang iba na ang dinaanan.

  3. Ang paalam ay papa­sok sa school tapos biglang nawala at ini-report pa sa pulis, pero ang nangyari ay sumama pala sa boyfriend.

  4. ‘Yung kakilala ko ay parang ganyan din ang nang­yari. Biglang nawala at ini­wan ang pamilya para su­mama sa ibang lalaki.

Ang ibang dahilan ay mahirap paniwalaan tulad ng biglang nawala na kinuha ng mga lamang-lupa, gayundin, ang madalas na ikuwento na naligo sa dagat at isinama umano ng mga sirena.

Ang pinakamahirap sa lahat ay ang biglang nawala sa sarili at hindi na muling nakabalik sa katinuan.

Ang panaginip ng kapa­tid mo ay nangangahulugan na ikaw ay mahal ng iyong mga anak. Kumbaga, bini­bigyang-patunay ng pana­gi­nip ng kapatid mo na hina­nap ka ng mga anak mo dahil ayaw nilang mawalay sa iyo.

Kaya napanaginipan ito ay dahil may mga magulang na akala ay hindi sila maha­laga sa kanilang mga anak. Akala nila ay balewala lang sila at ang mas mahalaga ay ang mga materyal na bagay tulad ng cellphone at com­puter games.

Dahil dito, dapat tang­gapin ng mga magulang na iba na ang panahon ngayon, pero ang hindi naiiba ay ang pagmamahal ng anak sa kan­yang ina.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page