top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Horoscope | Setyem­bre 04, 2019 (Miyerkules)

  • Maestro Honorio Ong
  • Sep 4, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

SA MAY KAARAWAN NGAYONG SETYEMBRE 4, 2019 (Miyerkules): Kusa kang iaangat ng kapala­ran mo sa mas mataas na kalagayan. Tiyak ang ma­gaganap na ikaw ang ma­mamahala at hahawak ng mga tao.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka mang­hihinayang sa mga pagsisi­kap mo dahil mismong la­ngit ang magbibigay sa iyo ng gantimpala. Hindi ka matutulad sa iba na nagsikap pero wala pa ring nakuha. Masuwerteng ku­lay-white. Tips sa lotto-2-19-24-39-41-43.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ididikit ka ng langit sa mga taong may ma­itutulong sa iyo, sila na puwede mong pakinaba­ngan, sila na handang uma­lalay sa iyo hang­gang sa matupad mo ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-13-20-23-34.

GEMINI (May 21- June 20) - Hindi nagba­bago na ikaw pa rin ay pa­punta sa itaas. Milya-milya ang agwat mo sa mga kasabayan mo. Titingalain ka nila nang may paghanga. Ito ang mensahe ng iyong kapa­la­ran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-12-28-30-31.

CANCER (June 21- July 22) - Hindi ka tatanggihan ng iyong lalapi­tan na may mataas na ranggo sa buhay mo. Subukan mo at magugulat ka na ang hula ay magkakatotoo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-1-18-28-37-40-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mag-utos ka at ma­susunod ito da­hil ang hin­di sumunod ay makararanas ng pangit na kapalaran. Mahirap paniwalaan pero, ito ay mangyayari. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-16-22-25-34-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ang pagkakataon para umabante nang todo ang buhay mo. Kumilos ka at ang mga pagkilos mo ay papabor sa mga gusto mong mangyari sa iyong buhay. Dapat ay ngayon na! Ma­suwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-19-26-39-41-44.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka ma­katatanggi sa lalapit sa iyo. Mahina ka ngayon sa is­yu ng pagtulong sa kapwa pero, malakas ka sa pag-akit sa mga naghahanap ng inspirasyon sa buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-20-21-27-31-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung sino ang maya­bang ay iyong ma­pa­kikinabangan kaya hu­wag mo silang layuan at sa halip ay iyong diki­tan. Gawin mo ito at tiyak na matutuwa ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-19-24-26-35-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muling ibinalik ng la­ngit ang mga araw na ikaw ay buwenas. Huwag mong sayangin ang pagkakataon na kung ka­ilan ay madali mong ma­gagawa ang anumang gus­to mo. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-15-18-22-27-31-32.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Umasta ka na parang nakuha mo na ang gusto mo. Kumilos ka na parang hawak mo na ang gusto mong mapasa­iyo. Isa itong pormula ng mata­gumpay na buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-13-27-30-36-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nag-a­abang sa lan­das ng buhay na iyong nilalakaran ang napakaraming pagkaka­taon na nagkaroon ka ng masarap na buhay. Mag­pasalamat at magpuri ka sa nasa itaas. Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-21-25-36-43.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Taglay mo nga­yon ang kaka­yahang masa­gap ang motibo ng iyong makahaharap. Sa ganito, makaiiwas ka sa mga mag­tatangkang mandaya sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-14-24-28-35-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page