Deny pa more, pero lantaran sa Davao… ION, IPINOST ANG PIKTYUR NA NAKAHIGA SA KANYA SI VICE
- BULGAR

- Sep 4, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

MARAMI talaga ang hindi naniniwalang best friends lang sina Vice Ganda at Kuya Escort Ion Perez. Kamakailan kasi ay viral na naman sa socmed ang nakakaintrigang larawan na ipinost ni Ion na kuha nu’ng dumating sila sa Davao kung saan may show si Vice.
Makikita sa picture si Vice na nagpapahinga sa lap ni Ion habang ang braso naman ni Kuya Escort ay nakadantay sa katawan ng It’s Showtime host.
Nilagyan ni Ion ng heart emoji ang caption ng kanilang nakaiintrigang picture.
Maraming ViceIon fans ang kinilig sa post ni Kuya Escort.
“Jusko, kinilig ako, sobra! Level up na talaga sila, sobrang brave ni Ion. Magmahalan lang kayo, dito kaming mga fans, full support sa inyo.”
“I’m so happy para kina Vice at Ion kasi nagiging malaya na sila.”
“Deserve mo rin Meme Vice ang maging masaya. Stay strong at God bless po sa inyo ni Ion.”
“This opposed the statement of Ion na ‘friends’ lang sila. Sobrang nakakatuwa. Someday, sana maamin na nila sa public!”
“Ang ViceIon ay parang lovebirds na nakalaya sa hawla at malaya silang ipakita sa lahat at ipahiwatig na mahal na mahal nila ang isa’t isa.”
Base sa mga komento ng mga netizens, hindi naniniwala ang mga fans ng celebrity couple na good friends lang sila.





Comments