Certificate ng dentista, dapat nakadispley sa main at lahat ng branches ng clinic
- BULGAR

- Sep 3, 2019
- 2 min read
Dear Chief Acosta, Isa akong registered dentist at nagtatrabaho ako sa tatlong clinics sa aming siyudad, pero sa main clinic lang nakapaskil ang pangalan ko at orihinal na Certificate of Registration. Tama ba ito? — Olive
Dear Olive, Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na inyong inilahad ay ang Section 28 ng Republic Act No. 9484 na mas kilala bilang “The Philippine Dental Act of 2007” kung saan nakasaad:
"Sec. 28. Display of Name and Certificate of Registration. — Every registered practicing dentist, dental hygienist and dental technologist shall display in a conspicuous place in the building or office where he/she practices, his/her name and his/her certificate of registration in plain sight of patients who enter the dental office, or dental clinic or dental laboratory. In the case where the dentist has more than one clinic, the original certificate of registration should be displayed in his/her main office or clinic, and he/she shall display a copy of his/her certified original certificate of registration in the other branch or branches of his/her practice. Any owner or proprietor of a dental office or establishment shall display the certificates of registration of each and everyone of such persons in the same manner as hereinafter provided.” (Binigyang-diin)
Ayon sa nasabing batas, katungkulan ng bawat nagtatrabahong registered dentist na magpaskil ng kanyang pangalan at Certificate of Registration sa prominente at madaling mapansing lugar kung saan ito malinaw na makikita ng kanyang mga pasyente. Kung sakaling mayroong higit sa isang (1) clinic ang nasabing dentista, ang kanyang orihinal na Certificate of Registration ay nararapat na nakapaskil sa main clinic at ang Certified Original Certificate of Registration ay nararapat ding nakapaskil sa ibang branch o branches na kanyang pinagtatrabahuhan.
Sa inyong sitwasyon, bukod sa pagpaskil ng iyong orihinal na Certificate of Registration sa inyong main clinic, nararapat na magpaskil din kayo sa ibang clinic ng inyong Certified Original Certificate of Registration.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments