top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bukod sa lagi kang inspired, besh... MGA BENEFITS NG PAGKA-KAROON NG LIFE PARTNER

  • Ronalyn Seminiano Reonico
  • Sep 3, 2019
  • 2 min read

MASARAP ma­pag-isa dahil maga­gawa mo ang mga bagay na gusto mo sa pinakakompor­tab­leng paraan na para sa iyo, walang ibang taong maki­kialam sa ginagawa mo. Pero, kasabay nito, ma­ra­ming ba­gay din ang hindi natin ma­ga­gawa kung mag-isa lang tayo dahil ‘ika nga nila, “no man is an island”. Puwede pa rin na­man tayong maging in­dependent nang meron tayong ka­sama hanggang sa unti-unti nating ma-achieve ang goals na­­­tin sa buhay.

Kapag mag-isa lang tayong haharap sa buhay, hindi natin kakayanin. Kahit paano, kailangan natin ng partner in crime. Bakit nga ba?

1. PARA MA-INS­PIRE. Ang life partner ay magpa­payo sa atin nang walang kasawaan. ‘Yung life partner na makikinig sa atin nang walang halong panghu­husga habang tinutulungan tayong mas makilala pa na­tin ang ating sarili.

Sila ‘yung alam na alam kung paano ka itsa-challenge para i-push mo pa ang sarili mo para sa ika­bubuti at ika­uunlad mo. Partner na mag­sisilbing ins­pirasyon para maging ma­tatag ka sa buhay.

2. PARA SUMUPOR­TA. Ang life partner ay ang taong susuporta at uunawa sa atin sa tunay na kahulugan, suportang hindi mai­bi­bigay sa atin ng ka­hit sino kundi sila lang.

Ang buhay ay wa­lang ka­siguradu­han, ngu­nit, ang relia­bility ng life partner ay palagi nating maa­asahan.

3. PARA MAY MAKA­SAMA. Ang friendship, parang araw lang na lilipas din para palitan ng gabi. Ito ang masakit na ka­to­toha­nang kailangan nating tanggapin.

Ngunit, ang life partner ay hindi lilipas, kailanman, kahit lumipas pa ang oras at mata­bunan ng mala­yong dis­tan­siya, sila ‘yung palaging nandiyan para sa iyo, sa ma­sasaya o mapapait na pa­nahon sa buhay.

4. PARA MAG­­K­­A­ROON NG TA­ONG PA­LAGI TA­YONG HINA­HANAP. Masarap sa feeling ‘yung meron kang ma­la­la­pitan, pero mas masarap sa feeling kapag may taong pa­lagi kang hinahanap dahil hindi kumpleto ang araw nila kapag hindi ka nila nakasa­ma.

Sabi nga ng therapist na si Dr. Maria Baratta, sad­yang powerful ang pagka­karoon ng taong nagma­mahal at nagpapahalaga sa atin sa kabila ng lahat ng imperfections natin, kahit hindi man natin hilingin.

Marahil, kaya na­ting bumuo ng sarili nating mundo, lalo na kung pa­kiramdam mong sarili mo lang ang mapag­kakatiwalaan mo.

Pero hindi ba, mas ma­­sarap sa paki­ramdam kung alam mong sa kabila ng pi­naka-worst na ikaw, may tao pa rin na kaya kang i-handle at unawain, for better or for worse?

Tandaan nating magka­iba ang life partner at roman­tic relationship at the best pa ring life partner ang ating pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page