Aktres, fake raw ang boobs at datung lang ang habol… DEREK SA NANLAIT KAY ANDREA: DEMONYO KA!
- BULGAR

- Sep 3, 2019
- 2 min read
Nitz Miralles / BIDA

AYAW tantanan ng isyu sina Derek Ramsay at Andrea Torres ng mga taong hindi matanggap na magiging sila kung sakali. Kaya lang, hindi nila matira si Derek kaya si Andrea ang pinagbubuntunan ng galit, inggit at bitterness.
Pinainit ng basher ang ulo ni Derek sa very bad comment nito patungkol kay Andrea na ang kasalanan lang ay magkatabi sila sa picture na ipinost ng aktor sa Instagram (IG) na kuha sa mall tour nila sa Iloilo City to promote The Better Woman.
Ang sama-sama ng dila ng netizen na may IG account na “Yaed Nuera” na may zero post at zero followers at isa lang ang pina-follow. Inakusahan ng basher na fake lang ang boobs ni Andrea. Sabi pa ng basher, kaya lang nagustuhan ni Andrea si Derek ay dahil mayaman ang aktor.
Hindi kilala ng basher si Andrea at hindi nito nasubaybayan ang pagdadalaga ng aktres. Bata pa lang si Andrea ay boobsie na siya, ano’ng sinasabi ng basher na ito?
Naalala pa nga namin, nabanggit dati ni Andrea na gusto niyang magpabawas ng laki ng boobs dahil nabibigatan siya.
Anyway, heto ang sagot ni Derek sa basher: “You are a disgrace to humanity. Sticks and stones can break my bones but words will never hurt me. I dare you to come out and say this to my face. Andrea is beautiful inside and out. You on the other hand are evil.”
Nagpasalamat ang mga supporters ni Andrea sa pagtatanggol sa kanya ni Derek, lalo na’t hindi sumasagot sa bashers ang leading lady niya sa The Better Woman. Saka, kung may mga hindi pabor sa kanila ni Andrea, mas marami ang gusto sila, keber na lang sa basher.
Lalong magngingitngit ang basher ni Andrea dahil sa latest post nito ng kanyang mga litrato na pinusuan ni Derek. Puro heart emojis ang comment ni Derek.





Comments