Sundalo, namaril ng lasing
ALBAY—Sinampahan ng kasong kriminal ang isang sundalo na namaril ng lasing kamakalawa sa bayan ng Daraga.
Ang suspek ay nakilalang si T/Sgt. Rey Valenzuela, nakatalaga sa Service Support Battalion ng Philippine Army (PA) na nakabase sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nainis umano si Valenzuela nang biruin siya ng lasing na biktima na si Joshua Macalinao, 25-anyos, residente ng naturang lugar.
Nasa kustodiya na ng Albay Police ang suspek na sundalo para sa kaukulang disposisyon habang patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis sa nasabing insidente.





Comments