top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

OFW na magpapabalik-balik abroad pero sa negosyo yayaman

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 2, 2019
2 min read

Katanungan

  1. Dati akong OFW sa Saudi at kahit masungit at malupit ang aking naging amo, tiniis ko siya kaya nakatapos ako ng kontrata. Pinababalik na nila ako ngayon kaya lang, nagdadalawang-isip ako.

  2. Balak kong maghanap ng bagong employer at ito ang dahilan kaya sumangguni ako sa inyo, Maes­tro. Gusto kong malaman na kung sakaling magha­nap ako ng ibang employer, makatatagpo kaya ako ng mabait na amo?

  3. Gayundin, pangarap kong magnegosyo kapag nakaipon ako. Matupad kaya ang pangarap kong makapagnegosyo?

  4. Kung sakaling makaipon ako ng puhunan, anong negosyo kaya ang bagay sa akin?

Kasagutan

  1. Anuman ang maganap at maging desis­yon mo, tuluy-tu­loy pa rin ang malu­walhati mong pa­ngingi­bang-ban­sa kung saan ma­katata­pos ka ng kon­­trata, ito ang nais sabihin ng ma­aliwalas at magandang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na, hindi ka mapapakali rito sa Pinas, gagawa at gagawa ka ng paraan upang balikan ang nakasanayan mong hanapbuhay bilang OFW at ang nakasanayang magpabalik-balik sa ibang bansa hang­gang sa unti-unting makaipon at tuluyan na ring umunlad ang inyong kabuhayan (H-H arrow b.).

  3. Kapag may kaunti ka nang ipon, ayon sa iyong zodiac sign na nasa pagitan ng Sagittarius at Capricorn, inirerekomenda ang mga produktong may kaugnayan sa hayop tulad ng pagbebenta ng karne ng manok, ba­boy at baka. Puwede rin ang pagpaparami at pag-aalaga ng mga hayop. Sa nasabing nature ng negosyo, tiyak ang magaganap, uunlad at tuluy-tuloy na lalago ang iyong kabuhayan hanggang sa ikaw ay yumaman.

Dapat Gawin

Ayon sa iyong mga datos, Kyla, magaganap sa 2020 ang ikalawang pangingibang-bansa mo at siguradong magkakaroon ka ng mabait na amo. Kasabay nito, tuluy-tuloy kang uunlad at a­asenso hanggang sa matu­pad ang pa­ngarap mong negosyo.

Sa susunod na pagliko ng kalsada ng kapalaran at pagkalipas ng marami pang taon, kusang matutupad ang straight Head Line (Drawing A, at B, H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mong pa­lad na nag­sasabing, mabilis ang magaganap, maka­pagnenegosyo ka hanggang sa tuluy-tu­loy nang lumago ang iyong kabuha­yan at tuluyan ka nang ya­yaman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page