top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Laure ng UST at Pinar ng adamson target ang PVL semifinals

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 2, 2019
2 min read

LUMAPIT sa inaasam nilang semifinals berth ang mga UAAP squads Uni­versity of Sto. Tomas at Adamson University ma­karaang dominahin kaha­pon ang mga laro sa Pre­mier Volleyball League Season 3 Collegiate Con­ference sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Naglaro na rin para sa Tigresses si Eya Laure na nanguna para sa balanse nilang opensa sa ipinos­teng 8 puntos sa 25-11, 25-9, 25-11 dominasyon sa Technological Institute of the Philippines.

Dahil sa panalo, na­natili silang nakaluklok sa liderato ng Group B tag­lay ang malinis na bara­hang 3-0.

Isang panalo na lang ang kailangan ng UST upang umusad sa cross­over best-of-three Final Four round.

Dahil sa pagkatalo, tu­luyan ng nalaglag sa kon­tensiyon ang Lady Engi­neers na bumagsak sa ka­baligtarang markang 0-3.

Gaya ng UST, tumabla sa liderato ng Group A ang Lady Falcons mata­pos maangkin ang ikat­long dikit na panalo ma­tapos pabagsakin ang out of contention ng San Se­bastian College, 25-18, 25-10, 25-14.

Pinamunuan ni Ceasa Pinar na nagtala ng 15 puntos ang panalo ng Adamson na nagsadlak sa Lady Stags sa ikatlong sunod ding kabiguan.

Nauna rito, humabol buhat sa dalawang sets na pagkakaiwan ang Cole­gio de San Juan de Letran upang mag-api ang Uni­versity of Perpetual Help, 16-25, 24-26, 26-24, 25-18, 17-15.

Angat ng 2-0 sets sa laro, napag-iwanan pa ang Lady Altas sa 3rd frame, 7-12 bago nakahabol at maagaw ang kalamangan sa pamamagitan ng inila­tag na 9-0 run na nagbigay sa kanila ng 4 na puntos na kalamangan sa second technical timeout.

Pero, nakuha pa ring bumalikwas ng Lady Knights.

“Lumaban sila sa Per­petual kahit down by two sets kami. They showed their character, ‘yun na ‘yun,” ayon kay Letran coach Michael Inoferio. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page