top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

15-anyos daw siya noon… OSANG, UMAMING NAGPABUNTIS LANG SA LALAKI, PERO TIBO ANG TRUE LOVE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 2, 2019
  • 2 min read

PINALAD si yours truly na maim­bitahan sa presscon ng bagong serye ng ABS-CBN titled Pamilya Ko airing this coming September 9 na pinangu­ngunahan nina Tsong Joey Marquez, Sylvia Sanchez, Rosanna Roces, Irma Adla­wan, JM de Guzman, Arci Muñoz, Kiko Estrada, Alyssa Mulach, atbp. na mula sa direction ni Raymund Ocampo at sa ilalim ng pama­mahala ng unit ni Direk Ruel S. Bayani.

Si Panyerong Ogie Diaz ang naging mo­derator during the Q&A portion kaya ang saya talaga dahil sa mga nakakatawang side comments nito sa mga nagtatanong. Lahat ng casting ng Pamilya Ko ay super halakhak to the max lalo na si Sylvia na talagang napapahiga pa sa sofa sa sobrang kakatawa.

Tinanong ni yours truly si Rosanna Roces kung saan siya mas komportable — sa pamilya niya noon na nagkaroon siya ng mga anak or sa pamilya niya ngayon na ang karelasyon ay isang tomboyita?

“Ngayon. Definitely, ngayon. Kasi naman, nauna kami. I was 16 (na puwedeng lagyan ng background music na pinasikat ni Vilma Santos titled Sweet 16, a-kissing, a-hugging, ‘yun, oh!) nu’ng kami ni Blessie (hindi po Blessie Cirera na editor ng isang tabloid, ha!). Oo, totoo. Siya talaga ang gusto kong mapangasawa noon pa kaya nga nagkaroon ng Grace dahil gusto naming magka-anak. So naghanap ako ng bubuntis sa akin pero hindi niya kinaya. Ang feeling niya, mahal ko ‘yung tatay kaya kami nagkahiwalay and after 27 years, nagkita kami ulit. So tinuluyan ko na para hindi na makawala,” pag-aamin ng nag-iisang Rosanna Roces na pinasikat noon ng Seiko Films bilang sexy star and even added, “Halos buong sambayanang Pilipino ay nakita na ang buo kong katawang hubad.”

Kunsabagay, true naman talaga na noon ay napaka-seksi niya, napaka-kinis ng balat at may nakaka-elyang wankatitat in pernes, ‘noh!

Sayang nga lang at nauna silang ipinanganak ng Blessie niya kesa kina Aiza “Ice” Seguerra at Charice Pempengco now Jake Zyrus ‘coz malamang sa hindi ay baka isa sa dalawang itey ang kanyang karelasyon ngayon, boom, may ga­nerrrn!

Insert smiley,

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page