Vietnamese, biktima pa ni racasa sa world chess u 12

IPINAKO ni 45th seed Antonella “Tonell” Berthe Racasa ng Pilipinas ang isang panalo kontra sa pinakamahigpit na karibal mula sa powerhouse Vietnam upang lalong mapatibay ang pagkakayapos sa pang-apat na posisyon sa pangkat ng U12 Girls pagkatapos ng siyam na rounds ng bakbakan sa malupit na 2019 FIDE World Cadet Chess Championship sa Weiqi City Anqui Qilu Wine Culture Creative Industry Park ng Weifang, Shandong Province sa China.
Dinaig ni Racasa (rating:1380) si Vietnamese Linh Khanh Ha Nguyen (rating:1500) sa round 9 upang iangat ang kabuuang produksyon sa 7 puntos at maipagpag ang ibang mga nag-aambisyon sa podium. Sa ngayon ay dalawa na lang sila ni Woman Candidate Master Alexandra Shvedova (seeded 4th) ng Russia na magkasosyo sa 4th place at naiiwan sila nang bahagya (kalahating puntos) ng pumapangatlong si WCM Alua Nurmanova (ranked 8th) ng Khazakstan dalawang rounds na lang ang natitira.





Comments