top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tips sa lalaking mahina ang loob pero gustong mag-seaman

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 1, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro,

Isinilang ako noong March 7, 1985 at kasalu­kuyan akong nag-a-apply sa barko bilang seaman.

May pag-asa kaya akong makasampa sa barko nga­yong taon at sa pa­anong paraan? Kung hindi nga­yong taon, kailan kaya ako susu­wer­tehin na ma­ka­pagbarko?

Umaasa,

Darwin ng Punta, Santa Ana, Manila

Dear Darwin,

Ang ibig sabihin ng numero mong 7 ay mahina ang loob, kabilang kasi ang numerong 7 sa mga tinata­wag na weak number tulad din ng 2, 11, 20, 29, 16 at 25, kaya palaging aasa ang kanilang kapalaran sa ibang puwersa o lakas at nagka­taon pang Pisces ang iyong zodiac sign na nangangahu­lugang maramdamin o may pagkaemosyunal kang nila­lang.

Ang totoo nito, natutu­lad ang inyong kapalaran sa dahon na nahulog sa batis habang tangay-tangay ng agos ang nasabing dahon na kung saan-saang batuhan napapadpad hang­gang sa tuluyan malanta, madurog at matunaw.

Subalit, magbabago la­mang ang negatibong kapa­larang ito ng mga taong nag­tataglay ng weak number sa sandaling nagkaroon sila ng kaibigan, bestfriend, part­ner o sabihin na nating asawa na may strong perso­nality at silang nagtataglay ng strong personality ay kada­lasang may mga birth date na strong number tulad ng 1, 10, 19, 28, 8, 17 at 26 at may mala­man at makapal na mga palad sa sandaling sinalat.

Ang nasabing mga nila­lang ang tunay ngang mag-aahon sa “dahon na tinata­ngay-tangay ng agos sa batis” upang tuluyan na si­lang umun­lad at magkaroon ng panga­rap at layunin sa bu­hay.

Basta ang tandaan mo ay may ibang puwersa o la­kas na tutulong sa iyo upang magbago at gumanda ang iyong kapalaran at tulad ng nasabi na, ang ibang mga pu­wersang ito ay silang mga taong naiimpluwensiyahan ng strong number.

Kaya sila ang hanapin mong “booker o taga-follow-up” ng iyong mga papeles nang sa gayun, mas madali kang makaalis at maka­pa­ngibang-bansa higit lalo kung ang nasabing mga tao ay un­der sa zodiac signs na Cap­ricorn, Virgo, Leo, Libra, Can­­cer, Scorpio at kapwa mo Aries.

Bukod sa kulay berde, ma­palad ka rin sa kulay di­­law na siyang dapat mong isuot sa tuwing may lala­karin kang mahahalagang bagay.

Ang berde at dilaw ay pu­wede mo ring isuot sa pa­nahon ng panliligaw o kapag may date kayo ng girlfriend mo upang higit na maging paborable sa iyong kapala­ran ang nasabing araw.

Samantala, ayon sa iyong Career Calendar na ki­numpirma ng iyong Travel Ca­lendar, sundin mo lang ang mga simpleng rekomen­dasyong inilahad na sa itaas, palagi kang humingi ng tu­long, makipagkuwentuhan at makipagkaibigan sa mga taong may strong persona­lity, tiyak ang magaganap, hindi matatapos ang 2019, pinakamatagal na sa first quarter ng 2020, matutupad na ang malaon mo nang pa­ngarap – ang mabunga at mabiyayang pagbabarko na itatala sa iyong kapalaran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page