top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kapuso actress, after ma-link kay Joshua… RYLE, INAMIN NA SI PAULINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 1, 2019
  • 1 min read

SA contract renewal naman ni Ryle Santiago kahapon bilang 2nd year ambassador ng Cherub Baby Care products ng Megasoft company, kung saan present sina Ms. Aileen Choi-Go (Megasoft Hygienic Products VP for Sales and Marketing) at ang stepdad ni Ryle na si Chris Tan na tumatayo ring manager niya, hindi na­man idinenay ng guwapong aktor-Hashtags member na papunta na siya sa panliligaw sa Kapuso star na si Pauline Mendoza.

Magkasama sina Ryle at Pauline bilang mga endorsers din ng Beautederm products naman na pag-aari ni Ms. Rhea Anicoche-Tan, at du’n nga nag-umpisang maging close ang dalawa.

Pagbubuking ng dating aktres na mom ni Ryle na si Sherilyn Reyes-Tan, pinatatapos pa ng anak ang Ghost Month at saka na lang daw nito liligawan si Pauline.

Matatandaan namang minsan na ring na-link si Pauline kay Joshua Garcia pagkatapos pumutok na break na ang aktor kay Julia Barretto.

Diretsong sabi ni Ryle, magkaibigan sila ni Joshua at sinigurado niya rito na wala itong relasyon kay Pauline bago siya pumasok sa eksena. Kaibigan daw kasi ni Joshua ang kapatid ni Pauline kaya naging close rin ang dalawa.

So, ‘wag na tayong magtaka kung sa mga susunod na araw, linggo o buwan ay sina Ryle at Pauline na.

Anyway, haping-happy si Ryle na muling pinag­katiwalaan ni Ms. Aileen para maging ambassador ng Cherub Baby Care products kung saan ang aktor-singer-dancer ang ipinadadala sa School is Cool Tour ng kumpanya na nag-iikot sa iba’t ibang schools sa buong bansa para mai-promote ang mga produkto ng Megasoft.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page