Kagawad, nilikida ng gunman
Pabs Hernandez III
Sep 1, 2019
1 min read
NEGROS ORIENTAL—Isang kagawad ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Mabunga, Guihulngan.
Kinilala ang biktima na si Kagawad Ramonito Handumon, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nasa labas ng kanyang bahay si Handumon nang sumulpot ang suspek at agad itong pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments