Horoscope | Setyembre 01, 2019 (Linggo)

SA MAY KAARAWAN NGAYONG SETYEMBRE 1, 2019 (Linggo): Unahin mong payamanin ang iyong sarili bago ang iba. Kapag hindi mo ito ginawa, gagamitin ka lang nila at marami ang masisiyahan nang dahil sa iyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mahihirapan kang unawain ang mga malalapit sa iyo. Mas makabubuting dumistansiya ka muna sa kanila. Ang isip na hindi payapa ay sagabal sa pag-asenso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto- 19-20-23-28-30-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Piliin mo ang mahabang panahon ng pagsasama kahit paminsan-minsan ay nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-23-29-30-36-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Kumilos ka nang mag-isa. Hindi mo kailangan ng kasama. Kapag hindi ka nakinig sa payo, masusumpungan mo ang iyong sarili na nakikipag-away sa mga nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-17-20-26-38-43.
CANCER (June 21-July 22) - Sisikip ang mundo mo ng dahil sa mga taong malalapit sa iyo. Ito ang mangyayari kapag patuloy kang umaasa na makatutulong sila sa mga gusto mong gawin sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-13-18-25-33-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hayaan mo lang at lihim kang ngumiti kapag sa biglang tingin ay nakaporma ang mga kaaway mo. Hindi magtatagal ay magsisibagsak ang mga ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-14-26-34-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ilabas mo ang kakaibang talas ng iyong isip. Hinding-hindi ka mabibigo at mapasasaiyo ang mga hinahangad mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-25-30-31-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makipag-ugnayan ka sa mga dati mong kaibigan. Sila ang naatasan ng langit na ituro sa iyo ang landas ng buhay kung saan mapasasaiyo ang kaligayahan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-22-26-30-37-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bago mo baguhin ang plano mo. Sumangguni ka muna sa mga may alam na. Sa ganito, hindi mo na mararanasan ang hirap na kanilang pinagdaraanan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-20-26-35-38-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang magtaka sa payo sa iyo na kung saan ka mahihirapan ‘yun ang iyong piliin. Huwag kang tumulad sa iba na ang pinili ay ang madali, pero mga nagsisisi sa huli. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-21-29-38-42-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sa iyo ang araw na ito at ang ilang mga araw pang darating. Kahit dumaan ka sa mabibigat na pagsubok, hindi pa rin magbabago na ang araw ngayon ay iyung-iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-22-28-39-40-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mo lang na mangyari ang mga kaganapan. Huwag mong salungatin o huwag kang umangal. Kailangang maganap ang lahat para bigyang-daan ang iyong mga suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-13-25-37-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nananatili ang matibay na puno kahit pa dumaan ang malakas na hampas ng hangin. Pinatitibay at pinatatatag ka ng langit nang sa gayun ay mapasaiyo ang huling halakhak. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-18-24-26-34.




Comments