Driver, tepok sa electrician
SOUTH COTABATO—Isang driver ang namatay nang paluin ng tubo sa ulo ng electrician kamakalawa sa Bgy. Sto. Niño, Koronadal City.
Ang biktima ay nakilalang si Jemeriaz Tuazon, samantalang, ang suspek ay si Alexander Perez, kapwa residente sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sina Tuazon at Perez na humantong sa pamamalo ng suspek sa ulo ng biktima.
Dinala ng mga saksi si Tuazon sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, sinampahan na ng kasong murder si Perez.





Comments