Breakup nila ng BF, kaya oks lang… ARCI, IBINULGAR ANG BAGONG KINABABALIWAN
- Vinia Vivar
- Sep 1, 2019
- 2 min read

Photo: @ramonathornes
Sa presscon ng Pamilya Ko last Friday ay kinumpirma ni Arci Muñoz na break na sila ng non-showbiz boyfriend na si Anthony Ng. Tumagal din daw ng 2 years ang kanilang relasyon and broke up a few months ago. She refused to divulge kung bakit sila naghiwalay at basta ang masasabi lang niya ay mababaw daw ang dahilan.
May nagtanong kung ang pagiging K-pop fan ba niya ang dahilan at ani Arci ay hindi dahil naging supportive naman sa kanya ang ex-bf sa lahat ng bagay. Hindi rin daw ang kanyang pagiging artista at lalong wala raw third party.
“It’s just really. . . maybe it’s not the right time,” matipid niyang sagot.
When asked kung may chance pa ba ng reconciliation, sagot ni Arci na ikinatawa namin, “I don’t know, eh, kasi masaya ako kay Park Ji Min (member ng phenomenal Korean boy group na BTS).”
May pumuna na mukha naman siyang hindi malungkot at aniya, ayaw na lang niyang maging malungkot pa at ang pampasaya niya ay ang BTS.
“Sobrang obsessed ako sa BTS ngayon, stress-reliever ko sila ngayon, eh. Sila lang talaga,” sey ni Arci.
Bukod sa BTS ay sobrang busy din daw niya ngayon at may bago nga siyang drama series. Balak din daw niyang mag-aral ng Korean language dahil hindi marunong mag-English ang BTS members.
“Kaya ako na po ang mag-a-adjust,” natatawa niyang sabi.
Siguro raw ay talagang hindi sila para sa isa’t isa ng ex-dyowa at sey pa niya, “Everything happens for a reason, ‘yun na lang po ‘yung parang what consoles me. I think na you know, God has a purpose.”
Samantala, sa Pamilya Ko ay ginagampanan ni Arci ang papel na Betty na best friend ng karakter ng lead actor na si JM de Guzman. Kasama rin sa serye sina Sylvia Sanchez, Joey Marquez, Kid Yambao, Jairus Aquino, Maris Racal, Kira Balinger, Mutya Orquia, Raikko Mateo, Irma Adlawan at Rosanna Roces.





Comments