Kumpanya ng bus, nahuli na, nasampulan… STAR CINEMA, NAGBABALA SA MGA NAMIMIRATA NG MOVIE NINA ALDE
- Vinia Vivar
- Aug 31, 2019
- 1 min read

Nagbigay ng babala ang Star Cinema sa mga namimirata ng pelikulang Hello, Love, Goodbye kasunod ng pagkaka-raid ng Optical Media Board (OMB) sa isang bus terminal sa Parañaque na nagpapalabas ng nasabing pelikula sa mga bus.
Ipinost ni Mico del Rosario ng Star Cinema ang ini-release na statement ng OMB na nagsasaad ng pagkakahuli sa mga bus na nagpapalabas ng Hello, Love, Goodbye.
“Dear mga kababayan, krimen po ang pamimirata at pagpapalabas ng mga pelikula o programa na dinownload at ipinasa-pasa.
“Krimen po ang pagkuha ng video habang nagpapalabas ang mga pelikula sa sinehan. Krimen po ang pagpapasa ng materyal sa social media. Sana po ay huwag nating ituro sa ating mga anak na ok lang na manguha ng materyal na dapat ay ini-enjoy natin sa tamang paraan. Mas masarap maging marangal.
“Mas masarap magpakain ng mga kapamilya na malinis ang pinagkunan ng perang ipinambili ng kakainin. Magandang umaga. Salamat OMB,” ang caption ni Mico.





Comments