Kelot nagbigti sa balon
Pabs Hernandez III
Aug 31, 2019
1 min read
ILOILO—Nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbigti ang isang binata kamakalawa sa loob ng balon sa Bgy. Poblacion, Alimodian.
Ang biktima ay nakilalang si Ronelo Alegrado, residente sa nabanggit na barangay.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa nakabiting bangkay ng biktima sa loob ng balon sa nasabing lugar.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang motibo ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.





Comments