top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Hindi man nakatuluyan ang first GF... MAKAPAG-AASAWA PA RIN KAHIT MATANDA NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 31, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. Bakit kaya isang beses pa lang akong nagka-girlfriend, hindi na ‘yun nasundan hanggang ngayon na umabot na ako sa edad 38?

  2. Sa palagay ninyo, Maestro, sa edad kong ito ay magkaka-girlfriend pa kaya ako kahit na ako ay mahiyain sa babae?

  3. Mahirap kasi ang kalagayan ko ngayon, ‘yung mga babaeng ka-level ko ay may mga asawa at pamilya na, kaya naoobliga tuloy akong manligaw ng mas bata sa akin, pero malayo ang interes at mundo namin sa isa’t isa.

  4. Ngayon ay may nililigawan akong 23 years old, pero pinanghihinaan naman ako ng loob, medyo malaki kasi ang agwat ng edad namin.

  5. Ano ang nakikita ninyo sa mga palad ko, Maestro, sa edad kong ito, makapag-aasawa pa kaya ako at magkakaroon ng masaya at simpleng pamilya?

KASAGUTAN

  1. Temyong, huwag ka nang malungkot o mamroblema dahil sadyang nakatutuwang makitang may kaisa-isang malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Ito ay tanda na sa matagal na paghihintay ay darating pa rin ang panahong may babae na halos kasing-edad at ka-level mo rin sa lipunang iyong ginagalawan ang tuluyang lulutang, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran upang minsan pa, ang iyong paghahanap ay mapunan ng babaeng naghahanap din ng makakasama sa buhay at tulad ng nasabi na, sa takdang panahon ay pagtatagpuin kayo ng kapalaran upang bumuo ng wagas at matimyas na pag-iibigan.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Samantala, ayon sa iyong mga datos, hindi ang kasalukuyan mong nililigawang babae na mas bata sa iyo ang iyong mapapangasawa o makakasama habambuhay, kaya mas mainam pang itigil mo na ang panliligaw sa kanya upang hindi masayang ang iyong effort, time at resources.

  2. Sa halip, tulad ng nasabi na, ayon sa iyong mga datos, sa last quarter ngayong 2019, sa edad mong 38 pataas bago ka mag-40, babaeng nasa late 30s na rin ang edad ang darating na nagtataglay ng zodiac sign na Taurus, ang babaeng medyo chubby ang siya na ngang nakatakda mong mapangasawa at makakasama sa pagbuo ng simple, pero maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page