Bigtime tulak todas sa shootout
Pabs Hernandez III
Aug 31, 2019
1 min read
CAMARINES SUR—Isang bigtime drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Cararayan, Naga Cty.
Kinilala ang suspek na si Marlon Gonzaga, nakatira sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, darakpin sa buy-bust operation si Gonzaga, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Dahil dito, kaagad gumanti ng putok ang mga awtoridad, dahilan kaya napatay ang suspek.





Comments