top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Post ng utol, 'di raw ni-like… GRETCHEN, NAPIKON NANG TANUNGIN TUNGKOL KAY CLAUDINE

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 30, 2019
1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

GRABE naman kung makagawa ng isyu ang isang netizen dahil nakita lang na hindi nag-like si Gretchen Barretto sa post ng kapatid na si Clau­dine ay inakala na agad na magkaaway sila.

Sey ng netizen, “Bakit wala nang like si Ms. Gretchen? Are you guys still okay or fighting na naman?”

Kinontra naman ito ni Gretchen at sinagot ang netizen ng, “Get a life.”

Ilang taon din ang nawala sa mag­­kapatid kaya siguradong hindi na basta-basta masi­sira ang kanilang reconciled rela­tionship dahil ang isa’t isa ang naging karamay at sandalan nila sa bawat kon­trobersiyang kina­ka­harap ng kanilang pamilya.

Samantala, sinagot din ni Claudine ang isang net­izen na nagsabing hindi sila magkaayos ngayon ng kan­yang Mommy Inday dahil kay Gretchen.

Ayon kay Claudine, hindi lang siya ma-post sa social media pero naka­kasigurado siyang maayos ang relasyon niya sa ina.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page