top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Para 'di raw pagpiyestahan ang relasyon… JULIA, DEDMA, 'DI NAG-CHEER KAY GERALD TUWING NAKA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 30, 2019
  • 1 min read

KUNG umagaw ng atensiyon ang parehong number 3 jersey nina Julia Barretto at Gerald Anderson sa nakaraang Star Magic All-Star Games na ginanap sa Araneta Coliseum nu’ng naka­raang Linggo, kapansin-pansin din na sa bu­ong laro ng Star Magic sa pangunguna ni Ge­rald bilang team captain ng Red Team laban sa It’s Showtime Team na ‘di nakitang puma­lak­pak o nag-cheer man lang si Julia sa tuwing nakaka-shoot ang Kapamilya actor.

Maaaring ang rason ay dahil alam ni Julia na nakatutok ang mata ng lahat sa magiging reaksiyon niya, kaya para makaiwas na rin na maging sentro na naman sila ng intriga at kontrobersiya ay hindi na nga lang siya sumuporta sa aktor.

Sa kabilang banda, marami pa rin ang kumukuwestiyon sa naging interview ni Julia sa TV Patrol kung saan kinlaro nito na ‘di siya ang third party involved sa hiwalayang Bea-Gerald. ‘Di raw nanligaw sa kanya si Gerald, hindi rin niya nilandi ito at wala silang relasyon.

Para sa iba, kung hindi nanliligaw sa kanya si Gerald, bakit tumawag ito sa ama niyang si Dennis Padilla, na kinumpirma naman ng komedyante sa presscon ng Sang­gano, Sanggago’t, Sanggwapo?

Ayon pa kay Dennis, nagsalita sa kanya si Gerald na naiintindihan ang nararamdaman niya bilang ama. Nabalita rin na nagalit noon ang komedyante nang magpa-interview si Bea Alonzo at sinabing ‘di pa talaga sila break ni Gerald, pero iniwasan na siyang kausapin nito at lumabas na may relasyon na sila ni Julia.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page