'Pag walang trabaho sa showbiz… BEA, SUMA-SIDELINE BILANG BARISTA SA COFFEE SHOP


SA negosyo gustong mag-concentrate ng Kapuso young star na si Bea Binene kaya ayaw muna niyang sentruhan ang kanyang love life.
Bagama’t may nababalita na may karelasyon siyang non-showbiz guy, ayaw mag-comment ni Bea. Mas excited pa siyang ikuwento ang tungkol sa bago niyang business na coffee shop, ang Mix and Brew na nasa isang malaking mall.
Nag-aral ding maging barista si Bea kaya kapag absent ang isa niyang barista, siya mismo ang tumatao sa kanyang coffee shop at kapag nakaluwag siya sa kanyang schedule ay mag-aaral din siyang mag-bake upang maging pastry chef.
Marami pang gustong gawin si Bea. Marami siyang iniisip na negosyong pagkakakitaan pero sa ngayon, priority niya ang seryeng Beautiful Justice kung saan kasama niya sina Yasmien Kurdi, Gabbi Garcia, Derrick Monasterio, Gil Cuerva, Gabby Eigenmann, Valeen Montenegro, atbp..
Bentahe para kay Bea na dati na siyang nagte-training ng martial arts, especially wushu. Action-drama ang Beautiful Justice at marami siyang trainings na pinagdaanan kasama na ang target shooting atbp. forms at self-defense.
Wala siyang kapareha sa istorya dahil si Derrick ay mapupunta kay Gabbi.





Comments