top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Malalaki at maiitim na ulap, malaking problema pero may magandang kapalit

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 30, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang pa­naginip ni Olive ng Olive_ Paulino@facebook.com

Dear Professor,

May buwanang dalaw daw ako, tapos, nagpunta ako sa luma naming C.R. para maglinis kasi may dugo sa mga binti ko.

Natatakot ako kasi bun­tis ako ngayon kaya impo­sible na magkaroon ako ng menstruation.

Sa ngayon, apat na buwan na ang tiyan ko.

Ano ang ibig sabi­hin nito?

Maraming salamat!

Naghihintay,

Olive

Sa iyo Olive,

Oo, nakatatakot nga sa tulad mong buntis ang pana­ginip mo na nagkaroon ka ng menstruation. Kaya, mag-ingat ka ngayon.

Kapag napanaginipan mo na nagkaroon ka ng mens­truation, pero hindi ka dapat magkaroon, ang panaginip ay nagbababala.

Ayon sa nasusulat sa Banal na Aklat, ang babala ay hindi hula at ito ay nagsa­sabing, mag-ingat ka.

Tulad ng mga babala sa mga pana­hon ng bagyo, ang tao ay ka­ilangang mag-ingat dahil ang hangin ay sobrang malakas.

Paano kung babalewa­lain mo ang babala ng iyong panaginip? Manganganib at maaari kang makunan.

Kaya ang mahigpit na rekomendasyon ay kumon­sulta ka sa iyong pinagkaka­tiwalaang doktor.

Muli, ang hindi nakikinig sa babala ay mahaharap sa panganib.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page