top of page

Kaya panay na ang post ng mga pictures… SIGAW NG NETIZENS: JOHN LLOYD, TODO-PAPANSIN SA PAGBABALIK-S

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 30, 2019
  • 1 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

Photo : @johnlloydcruztm

VIRAL ang bagong upload na larawan ni John Lloyd Cruz na lumabas sa Instagram.

Espekulasyon ng mga netizens, tuluy-tuloy na talaga ang pagbabalik ng aktor sa show business.

Makikita sa ibinahaging larawan ng aktor na nag­pagupit na siya at nag-ahit ng balbas kaya’t nanumbalik muli ang kanyang kaguwapuhan.

Sa picture ay may kargang baby si JLC na sinasabing anak niya, pero hindi naman ipina­kita ang mukha ng bata. May ka­sama rin siyang dalawang babae.

Komento ng mga netizens, “Ano na naman ‘to, Lloydie? Crea­ting hype again?”

“OMG! Lalong naging guwapo. Sana, bumalik ka na ulit sa dati at mapanood na lagi sa TV.”

Sinabi naman ng iba na parang nagiging master of publicity ang mahusay na actor.

“Kung babalik ka kasi sa showbiz, bumalik ka na lang at magsalita ka. Hindi ‘yung idi­nadaan mo sa pangiti-ngiti ang lahat.”

Ito naman ang sinabi ng mga fans nina Bea Alonzo at Lloydie:

“Pogi pa rin. Balik ka na, Popoy. Baka kayo talaga ni Basha ang para sa isa’t isa.”

“Nakaka-miss din ang isang JLC. Pero sana, ipakita rin ang face ng baby.”

“Waaah! Pumopogi na, slowly but surely!”

 
 
 

Komentar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page