top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Horoscope | Agosto 30, 2019 (Biyernes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Aug 30, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

SA MAY KAARAWAN NGAYONG AGOSTO 30, 2019 (Biyernes): Dahil sa kakaibang kabutihang-loob mo, ang langit ay ga­nun­din sa iyo na nagsasa­bing, pakikitaan ka rin ng espes­yal na pagmamahal ng nasa itaas.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Damdamin ang iyong su­sun­din nga­yon kahit na magulo ang isip mo at mananaig pa rin ang iyong puso. Ito ang mensahe ng iyong kapa­la­ran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-17-18-20-28-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kahit malugi o madehado ka, gumawa ka ng kabaitan sa kapwa mo. Papalitan ito ng langit ng malalaking biyaya sa ma­ha­bang panahon. Ito ang mensahe ng iyong kapa­la­ran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-9-16-18-26-32.

GEMINI (May 21-June 20) - Muli, magda­han-dahan ka dahil kapag naging mabilis ka sa pag­papasya at pagkilos, masa­saktan ka at magsisisi. Sa pagiging mabagal, ang tao ay nakapag-iisip kung ano ang tama at mali. Masu­wer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-2-16-20-21-26-33.

CANCER (June 21-July 22) - Susuwerte­hin ka nga­yon. Ang mga su­wer­te mo ay magsisilbing binhi na mamumunga ng ma­ra­­mi at magagandang ka­palaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-17-27-29-39-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Muli kang maaawa sa hindi dapat kaawaan. Pero, kailangang maunawaan mo ang babala na maa­aring mahulog ang loob mo sa iyong kaaawaan. Ma­suwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-20-23-38-40-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tatalunin ka ng mga negati­bong kaisi­pan. Ito ay pansamantala lang dahil ang hangarin mong mapaunlad ang buhay mo ay mananaig pa rin sa huli. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-14-27-30-31-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumuha ka ng lakas sa mga karana­san mo kung kailan nag­tagumpay ka kahit pa ikaw ay nag-aalinlangan. Kaya dapat balewalain mo ang mga negatibong pananaw. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-16-18-21-27.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang maghin­tay ng senya­les mula sa langit. Ang tu­nay na palatandaan para umunlad ang iyong buhay ay ang katotohanang nasa harap mo na ang mga opor­tunidad. Masuwer­teng ku­lay-yellow. Tips sa lotto-8-12-19-20-30-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang papayag na talunin ka ng lungkot. Alam mong ang kalungkutan ay nag­da­dala sa tao ng hindi ma­gagandang bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-15-16-20-25-35.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Higit sa lahat, maha­laga na mahal mo ang iyong sarili. Kahit hindi ka maniwala, ang katotohanan ay nagsasa­bing, ang mga kabiguan mo ay dahil inuna mong mahalin ang iba. Masu­wer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-11-16-24-27-31-32.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Narinig mo na ba na ang agila ka­pag may malakas na unos ay lumilipad nang mas mataas? Ito ngayon ang iyong isabuhay, dapat mas angat ka kaysa sa iyong mga problema. Masuwer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-1-19-21-26-33-39.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakatutuwa kung paano ka susuwertehin. Magkunwari kang wa­lang-wala at magugulat ka dahil ang bulsa mo ay aapaw nang todo-todo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-20-22-28-30-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page