top of page

2 seniors na fixer sa city hall, tiklo

  • Mylene Alfonso
  • Aug 30, 2019
  • 1 min read

ARESTADO ng mga tauhan ng Special Mayor Reaction Team (SMaRT) ang dalawang senior citizens na fixer sa loob ng Manila City Hall.

Nahaharap sa kasong robbery extortion ang mga suspek na sina Victoria Navarro, 67, at Angelina Montemayor, 64, kapwa ng Sta. Ana, Manila.

Nag-ugat ang pagkakaaresto sa dalawa nang magreklamo kay Atty. Cris Tinorio, OIC ng Local Civil Registry Office ang biktimang si Catherine Gonzalez, 48, ng Las Piñas City.

Inaresto ang dalawa ni P/Capt. Edward Samonte, alas-3:45 ng hapon sa harap ng Rm 239 ng Manila City Hall. Ayon sa reklamo ng biktima, una umano siyang hiningan ng P15,000 para sa pagproseso ng birth certificate ng kanyang kapatid hanggang umabot sa P1,300 ang pagtatawaran ng magkabilang panig. Dito na umano nagreklamo ang biktima kay Tinorio na tumawag sa SMaRT dahilan para arestuhin ang mga suspek.

Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page