top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mister na kahit tuksuhin at gastusan ng ibang babae, hindi bibigay

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 29, 2019
2 min read

KATANUNGAN

  1. Noon ay may babaeng nagkaka-crush sa akin, pero hindi naman niya ipinilit na maging kami, kaya nasayang ang pagkakataon para ma­ging kami. Torpe at mahiyain kasi ako noon hanggang sa nagka-girlfriend ako at naka­pag-asawa.

  2. Habang ‘yung tinutu­koy kong babae ay nakapag-asawa naman ng Hapon kaya sa Japan na sila nanirahan ng kanyang pamilya.

  3. Sa ngayon ay nandito siya sa Pilipinas, nagbaba­kas­yon at hindi niya kasama ang kanyang asawa kaya nag­kikita, nag-uusap at na­ging close ulit kami.

  4. Parang pinagtagpo talaga kami ng pagkakataon dahil ngayon ay nagtatraba­ho ang misis ko sa abroad bi­lang caregiver.

  5. Sa madaling salita, Maestro, kaunting kuwento at usap na lang ay malapit nang may mangyari sa amin, pero pinipigil ko ang sarili ko dahil nahahalata kong gus­to pa rin niya ako.

  6. Hindi ko malaman kung dapat ba akong bu­mi­gay for sexual plea­sure dahil alam kong ga­nu’n lang ang gusto ni­yang mangyari.

  7. Itatanong ko lang kung sakaling may mang­yari sa amin, nakaguhit ba sa aking mga palad na mahiwalay sa asawa?

  8. Sa kasalukuyan, palagi kaming nag-uusap dahil mag­kapitbahay lang kami.

  9. Tapos, ang sabi pa niya sa akin, bago raw siya bu­ma­lik ng Japan ay mama­mas­yal kami at siya raw ang taya.

KASAGUTAN

  1. Malabo at maaaring hindi mangyayari ang nagla­laro sa isipan ninyo ng baba­eng binabanggit mo dahil nanatiling matino at tuwid ang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na kahit mag­pa­ramdam pa nang magpa­ramdam at halimbawang siya na ang nagyaya at na­tuloy nga ang inyong pamamasyal, nananatili pa rin ang dati mong ugali na mabait at tapat sa asawa, kaya mas mala­mang wala ring mangyayari kahit kayo ay mamasyal. Ang ikinaganda pa nito, kung sakali mang manaig ang ta­wag ng laman at pagnana­sang seksuwal, magagalaw mo nga ang nasabing babae, pero tulad ng naipaliwanag na, hindi lalago sa ganap at tunay na pagmamahalan ang sexual escapade na mama­magitan sa inyong dalawa.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Habang ayon sa iyong mga datos, Randy, unique at sadyang kakaiba ang posib­leng mangyari sa minsang paggawa mo ng kaimoralan, hindi na ito masusundan pa dahil duwag ka, (Drawing A. at B. L-L, H-H arrow b.) kaya muli kang makababalik sa matino at mabuting pa­mu­muhay.

  2. Gayunman, hindi mo pa rin dapat patulan ang ba­baeng may asawa na, lalo pang pinabigat ng katotoha­nang may asawa ka na rin at pamilya sapagkat sa sanda­ling ginawa ninyo ang na­banggit na sexual escapade, ganap na kayong nagkaka­sala, hindi lamang sa inyong sarili, sa inyong mga anak at asawa, bagkus, nagkakasala rin kayo sa 10 Utos ng Di­yos at sa batas na umiiral sa ating bansa.

  3. Samantala, tunay ngang minsan, mahirap talagang pigilin ang tukso, lalo na kung ito ay may kaugnayan sa pag­nanasang materyal, seksu­wal at makamundo. Pero kahit mahirap, dapat pigilin upang mapanatili ang kaayu­san sa lipunan at mapanatili ang moral value ng bawat isa.

  4. Muli, ayon sa iyong mga datos, kahit patulan mo ang nasabing babae, parang wala lang dahil sa bandang huli, sa pagbabalik ng iyong misis galing abroad, mapananatili pa rin ninyo ang matino, ma­buti at masayang pamilya, habambuhay (Drawing A. at B. 1-M arrow a.).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page