Magpakitang gilas kayo! – DU30
- Alvin Olivar
- Aug 29, 2019
- 2 min read

MAKARAANG sabihin noong una ni Pangulong Rodrigo Duterte na matatalo lamang ang Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup matchup kontra Italy, ang panonood na rin ni DU30 ang magbibigay inspirasyon sa team at magsisilbing paalala sa koponan na ‘magpakitang-gilas’ kayo.
“The statement of the President that most likely you will lose should be a challenge to you and should inspire you to make him wrong, and he will be very happy,” ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo kahapon habang nasa Beijing, China na ito.
”I think the very purpose of the President in going there is to inspire them,” “Palagay ko matatalo Italy. Mananalo ‘yun (Gilas Pilipinas) kasi andoon si Presidente, dagdag ni Panelo.
Tumulak na ngayong araw ng Huwebes ang Gilas Pilipinas patungong China para sa nalalapit na 2019 FIBA Basketball World Cup.
Lumipad ang Gilas Pilipinas patungong Guangzhou kung saan pagkalapag ay maglalakbay muli sila patungong Foshan sakay ng bus para sa kompetisyon na pormal na magsisimula sa Sabado.
Bago umalis ang Gilas ay nagsagawa pa ang koponan ng huling ensayo dito sa Maynila kahapon sa Meralco Gym para sa patuloy na paghahanda nito para sa World Cup. Bitbit na rin ng mga manlalaro ang kanilang mga jersey, sapatos, maleta, at iba pang gamit para sa kompetisyon.
Ayon kay Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao ay malapit nang makumpleto ang kanilang paghahanda para sa FIBA Basketball World Cup kung saan una nilang makakaharap ang Italy sa Sabado sa Foshan International Sports and Cultural Center.
“We are just trying to tie up loose ends and fine tune our execution. This is the adjustments we made based on our tune-up games. Coaching staff and myself, we reviewed some of the plays and execution that we made. We are hoping that we execute well. To me, it’s a question of execution on Saturday,” wika ni Guiao.
Lalaro para sa Gilas Pilipinas sa World Cup ay sina Andray Blatche, Gabe Norwood, June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Raymond Almazan, Troy Rosario, RR Pogoy, Paul Lee, Mark Barroca, Kiefer Ravena, Robert Bolick, at CJ Perez.





Comments