top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Hindi kina Solenn, Angelica at Joanne… DEREK, KAY ANDREA NAKITA ANG BABAENG GUSTONG PAKASALAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 29, 2019
  • 1 min read

AFTER his breakup sa huli niyang GF na si Joanne Villa­blanca, may pahayag ang hunk actor na si Derek Ramsay tungkol sa katangiang hanap niya sa isang karelasyon.

Dapat daw ay tanggap at mahal ng kanyang GF ang mga mahal niya sa buhay at ‘yun ay ang parents, kapatid, atbp. partidos niya.

Hindi raw dapat nakikipagkumpitensiya sa kanyang pamilya ang babaeng mamahalin niya. Sa halip ay dapat na ituring na rin na pamilya ng GF niya ang mga taong bahagi ng kanyang buhay.

Ito marahil ang dahilan kung bakit ang mga naunang karelasyon ni Derek na sina Solenn Heussaff, Angelica Panganiban at Joanne Villablanca ay nauwi lang sa paghihiwalay kahit na umabot na sa limang taon. Hindi mayaya ni Derek ng kasal ang kanyang mga ex-GFs dahil may conflict nga sa kanyang mga magulang.

Mahalaga sa aktor na mahal ng kanyang GF ang mga magulang niya at makakasundo sakaling magdesisyon na siyang magpakasal.

Nakita ni Derek kung gaano kamahal ni Andrea Torres ang kanyang mommy kaya magaan agad ang loob niya sa aktres nang magkasama sila sa seryeng The Better Woman. Naipakilala na rin niya si Andrea sa kanyang partidos.

Well, hindi naman siguro maghihintay pa ng limang taon si Derek upang tuluyang makilatis ang magandang katangian ni Andrea na isang wife material.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page