Ang aktres din daw ang dahilan ng hiwalayan noon ng KimErald… MADIR NI GERALD, BUSOG SA REGALO NI KI
- BULGAR

- Aug 29, 2019
- 2 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

HANGGANG ngayon, tikom pa rin ang bibig ni Bea Alonzo hinggil sa isyu ng kanyang love life.
Nagsalita na si Gerald Anderson at maging ang mga magulang ng aktor at ni Julia Barretto, pero si Bea ay never pa ring nagsalita.
Kamakailan nga, nagpa-interview ang nanay ni Gerald at kung anu-ano ang sinabi tungkol kay Bea. Kahit daw naging GF ni Gerald si Bea ay hindi niya ito gusto para sa anak simula’t sapul pa.
Isang beses lang nagsalita si Bea, at ang tanging sinabi niya ay biglang hindi na siya kinausap ni Gerald.
Iilang kataga, pero bumaha ang espekulasyon sa social media at doon na napasok ang pangalan ni Julia na sinasabing third party sa relasyon nila.
Sa pagsasalita ng ina ni Gerald, marami pa rin ang umaayon sa side ni Bea.
Ani ng ilang netizens, si Kim Chiu raw talaga ang gusto ng ina ng aktor. Pinagbintangan pa raw ng ina ng aktor si Bea na naging dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Kim at Gerald.
May nagsasabi namang papaanong ‘di magugustuhan ng ina ni Gerald si Kim, eh, noon daw, panay ang pagbibigay ng regalo nito sa pamilya ng ex-boyfriend.
“Siguro si Bea, walang inaabot sa ina ni Gerald kaya hate niya ang actress,” ayon naman sa ibang netizen.
“Kasi binusog ng mga gifts ni Kim ang mag-ina kaya forever siyang KimErald. I guess, walang natanggap na kahit ano from Bea kaya hate niya.”
Maging ang nakarelasyon ni Bea na si Zanjoe Marudo ay idinamay din ng mother ni Gerald. Bakit daw nu’ng nag-break ang dalawa ay hindi nagsasalita ang Kapamilya actress, pero ngayong breakup nila ni Gerald ay naging napakalaking isyu sa showbiz.
Lalong hindi nagustuhan ng netizen ang sinabi ng ina ni Gerald.
Anila, “A mother will love her son no matter what. Magbubulag-bulagan si mother sa mga pinaggagagawa ng anak niya.”
Ang tapang daw magsalita ng ina ni Gerald pero pagdating kay Julia ay halos wala raw masabi.
Sabi ng isang netizen, “Mas na-intrigue ako sa dahan-dahan n’yang pakikiusap kay Julia, medyo takot si mommy na baka buweltahan siya ni Marjorie (Barretto).”
Pagdidiin din ng ina ni Gerald, “Hindi masamang tao ang anak ko.”
Sa bagay na ito, tahimik pa rin ang Kapamilya actress. Ang simpleng post niya sa kanyang social media account ay ipinagpapasa-Diyos na lang niya ang mga pinagdaraanan hinggil sa kanyang love life.
“...And then God stepped in,” ang post niya kung saan isinulat pa niyang, “Lord, I lift up everything to you.”
Ang mas pinag-uukulan ng panahon ni Bea ngayon ay ang pelikulang ginagawa niya kasama sina Angelica Panganiban at Richard Gutierrez.
Katunayan, may post din siya na isang hugot na ni-like ng napakaraming celebrities.




Comments